United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal, kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay; ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal kahit man binili, parang hiram lamang. Kahit na sa bahay ay dapat magsuot n~g damit na puting talagang pangloob, at huag mong gayahan ang asal na buktot sa gawing malinaw ... ¡Hubu't hubad halos!
Bawal na totoo sa dakilang asal sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan; n~guni at lalu pang kasama-samaan ang nakikibasa sa bukás na liham. At gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag-uusap naman ay manubok ay pan~git na lubha at asal na buktot, Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin n~g napakalakas, sapagka't pan~git din.
At ang kalalimang hindí matatarok ay ang lihim nilang nan~gasasa loob at ang m~ga batóng hindí lumulubog ang sa mayayamang katuirang buktót. Ang hindi pag lubog ay nakakatigan n~g panuyo't suhol ang kapangyarihan kun n~gayo'y wala nang pusong magdaram-dam at ang naghahari'y Santong Katuiran.