United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal, kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay; ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal kahit man binili, parang hiram lamang. Kahit na sa bahay ay dapat magsuot n~g damit na puting talagang pangloob, at huag mong gayahan ang asal na buktot sa gawing malinaw ... ¡Hubu't hubad halos!
Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan ay huag mong limutin ang panyong alampay: alampay ay siyang tabing na tangulan n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan. Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod ay dapat gamiting damit na pangloob, ang puri mo'y upang di sumabog-sabog sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.
Ang ganitong tun~guhin ay siyang namumugad sa kanyang isipan, kung kaya't nang mapanhikan ni Tirsong siya'y nakasuot pangloob lamang ay hindi na siya nagkubli.
At kanyang nakitang sa boong hugis n~g katawan niya ay walang nalalabing tagapagkubli n~g kahihiyaan liban sa isang manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na nakaluwa ay nagtatapos ang luwang sa may kalamnan n~g binting yari mandin sa lalikan.