United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin lalo na kung pan~git at masamang dingin, na gáya n~ga nito: " Si Daniel na duling, si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling ." M~ga halintulad ay paka-ilagan kung nakadudusta " Aku po'y nawalan; halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw ".... ang gayong salita'y kasama-samaan.
Bawal na totoo sa dakilang asal sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan; n~guni at lalu pang kasama-samaan ang nakikibasa sa bukás na liham. At gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag-uusap naman ay manubok ay pan~git na lubha at asal na buktot, Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin n~g napakalakas, sapagka't pan~git din.