United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Huag mong sasabatin ang nagsasalita paka-ilagan mo ang gawang manumpa, at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha ang tawang malakas ay sa taong dusta. Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay, batid mo man kahi't ay dapat pakingan, at huag mong sabihing " Alam ku na iyan " ito ay malaking lubhang kapintasan.
Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin lalo na kung pan~git at masamang dingin, na gáya n~ga nito: " Si Daniel na duling, si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling ." M~ga halintulad ay paka-ilagan kung nakadudusta " Aku po'y nawalan; halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw ".... ang gayong salita'y kasama-samaan.
Pintor at poeta'y iyan ang pan~garap sapagka't nandiyan ang buhay n~g dilag. Paka-ilagan mo ang satsat at daldal, gayon din ay huag kang magdunung-dunun~gan; n~guni at huag namang parang piping tunay pagka't ito'y tanda n~g pagka-walang muang. Kung may kasama kang dapat na dan~galin ikaw ay lumagay sa kaliwang piling, at kung sa banketa'y gumilid kang tambing sa dako n~g bakod siya'y padaanin.
Salita Ng Araw