United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !


At si aling Rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: Hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. Hindi po. At nanaog na ang ating binata. Sa durungawan ay muli pang nagdulot si Leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay Eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin.

Pangit nga naman kung kanyang sasadyai'y tahanan pa ni Eduardo. Nais niyang makita ang kalagayan ng binata datapwa't hindi niya gagawin ang magsadya sa kanyang tahanan. At, sa paanong paraan niya maaring patunguhan ang bahay ng ating binata? Sinong magtuturo sa kanya? Oh! ang lahat ay di maaari.

Kaya ito ang pagkabigo ni Eduardo noong gabi sa pagasang makita si Leoning. Ang kanyang pagasa ay talagang nabigo. Sadyang hindi niya makakatagpo noon si Leoning. Ang autong yaon na kanilang hinintay at maasahang kinalululanan ni Leoning ay sadyang ipinahatid ni mang Alejandro sa kanilang tahanan upang ipagbigay alam sa mga utusang huwag hintin ang kanilang pagdating.

Leoning, maanong ang isang binatang ngayon ay nasa kandungan ng pagkasawi at sinisiklot ng bagabag ay tapunan mo man kahit isang ngiti? Oo, isang ngiti man lamang. Ngitian mo man lamang sana ang palad ni Eduardo ng minsang lumuwagluwag ang nagsisikip na damdamin sa mga pasakit. Ngitian mo sana ang palad niyang tila ba na sa bingit ng hukay. Nasa bingit ng hukay!

Waring nagbabalita kay Eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. Waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. Waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap.

At walang waring nagugunita si Eduardo kundi ang malulungkot na kapalaran ng kanyang palad. Waring isang libingang sakdal saklap ang kumuwakaway sa kanyang palad! Oh! kay saklap na dilidilihin ng lahat.

Mabuti na lamang at si Eduardo noon ay may takip ang mukha nakadespras siya, kaya hindi na siya nagalinglangang humarap sa binibining tumawag sa kanyang kasayaw. At palad si Leoning nga! Si Leoning na noon ay kasayaw ng kaagaw ni Eduardo: ni Daniel Perez. At mabuti na lamang at hindi agad siya nakilala.

Si Eduardo, sa kandungan ni Leoning, ay waring isang paruparung na sa piling ng bulaklak na nasisiyahan sa katamisan at kabanguhang humahalimuyak. Kay papalad! Mapapalad na tinamo at inawit ang tagumpay ng puso. Si Leoning ay nasa bisig ng binata, si Eduardo ay nasa kandungan ni Leoning na puno ng buhay, puno ng ligaya at katamisan, ng pangarap.

Si Eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag-ibig. Ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay Eduardo. Kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. Laging sariwa ang ngiti.

At, ang paguusap ng dalawa na kanyang narinig ay isang malakas na sampal sa kanyang mukha. Narining niya ang mga katagang: Kung mabatid ng iyong asawa ang ganitong ginagawa mo Leoning ay anong sasabihin niya? Eduardo, huwag kang magalaala at sa piling mo ay kita ang asawa. At sa pagkarinig na ito ng kaawaawang si Daniel ay halos malugmok na lamang sa sama ng loob.