United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni Eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. Ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni Leoning.

Nang makapisan ng mariwasa ay nagbago; naging isang babaing lumimot ng kanyang kahapong lipos ng dilim sa buhay! Oh! babae, magbago ka sana at kundi dahil sa iyo ay hindi masasawi ang isang lalaking kulangpalad na iyong pinaglaruan. Dahil sa iyo ay nasawi ang isang Daniel at ngayon ay sumahukay na ikaw ang naging sanhi.

Wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. Si Leoning nga naman! Nawala na nga kaya sa alaala ni Leoning ang lahat? Diyata't nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? Kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni Eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay!

Parang pangarap lamang ang lahat. Oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni Leoning. Pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. Wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat. Oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. Datapwa't anong hirap gawin ng lumimot!

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap