Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 9, 2025


Si Leoning ay napapaluha na lamang halos sa bawa't sandali. Ang kanyang puso'y lihim na tumatangis. Si Eduardo nga nama'y kay daling lumimot! At, ngayon ay boo na sa kalooban ni Leoning na sadyang siya ay nilimot ni Eduardo. Aling puso nga namang tulad ni Leoning ang hindi tumangis? Aling kaluluwa ang hindi dalawin ng lungkot kung gayong maulila sa kanyang kasuyuan?

Eduardo, natapos sa atin ang lahat, nguni't alamin mong hindi kita nililimot. Wala nga lamang palad kita. Hindi kita naging akin na gaya ng pagasa ko at ako naman ay di naging iyo . Natapos na nga sa ating dalawa ang lahat nguni't ipinaaabot ko rin sa iyong hindi ako ang kusang lumimot. Talaga lamang ng panahong hindi kita ang mapalad na magkakasama hanggang sa libingan .

Wala na, wala na, at makailan na niyang tangkaing dumalaw datapuwa't para lamang pagabigo ang kanyang nakamtam. Ano nga kaya naman ang nangyari sa kay Leoning? Bakit? Bakit daglian naman siyang lumimot sa dating kasuyuan...?

Hindi nalalamang ang sakit na iyon ay isang sakit ng pusong sawing kapalaran sa kanyang paralumang lumimot. Nagtataka ang kanyang mga kasama sapagka't ginagamot na ng mga bihasang Doctor ay hindi pa rin nagbabago, at habang lumalaon ay waring lalong nagsisidhi ang sakit ng binata. Pati kulay ng pamamalat ng katawan ay nagbago na at namumutlang madilawdilaw. Ano kaya ang kanyang sakit?

Hindi. Eduardo, tapat na kaya ang puso mo sa akin magpakailan man...? Asahan mo Leoning. Nguni't ako ay nangangamba. Anong ipinangangamba mo? Ang ikaw ay lumimot. Nakakita ka na kaya ng ipinagbago ko sa iyo? Hindi pa nga nguni't.... Nguni't ano? Na kung dumating na ang panahon? Leoning samakatwid ay nagaalapaap pa ang loob mo sa akin? Hindi mo ba ako iniibig Leoning?

Hindi ko matalos kung ang aking puso'y Magbabagong taón sa pagkasiphayo, Ako'y naririto't ikaw ay malayo Na animo'y buwang sa aki'y nagtago. Inaasahan ko n~g buong pagasa Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na, Kung magkakagayo'y iyong makikita Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa.

Na, nagkatotoo nga ang lahat na, ako'y iyong lilimutin. Diyata Leoning at ako pa ang pararatangan mong lumimot. Katotohanan Eduardo ang lahat kong sinabi. Leoning, pinahihirapan mo ang aking damdamin. Eduardo, ang sinasabi mong hirap na iyan ay wala pang ika isang libo, paris ng ginawi mo sa aba kong palad. Leoning, liwanagin mo ang lahat.

Lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni Leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. Makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa't lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. Hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain.

Salita Ng Araw

babahin

Ang iba ay Naghahanap