United States or Côte d'Ivoire ? Vote for the TOP Country of the Week !


Náriyan, acó ang gumuhít n~g piano n~g simbahang iyán, at lubós sa cagalin~gan ang pagsacagawâ: ganyan ang sabi sa akin n~g isáng inglés na maglalacó n~g m~ga hiyás, na tumuloy isáng áraw sa convento. ¡Sucat n~g magcaroon n~g dalawang daling noo upang macagawâ n~g piano! ¡Anó bang "perito ni peritas"! ang sinabing malacás na palibac ni párì Dámaso.

Honorio, Eutiquio, at Esteban m~ga mr. 22 Mier. Ntra. Cecilia bg. at mr. at Filemón mr. 23 Hueb. Ss. Clemente papa mr. Juan Bueno kp. Lucrecia bg. at Felicidad m~ga mr. Ang ipan~ganak mulâ sa araw na ito hanggang ika 22 n~g Disyembre, kung lalaki'y yayaman sa pan~gan~galakal sa ibang bayan, masipag, matapang n~guni't sugarol. At kung babai'y masipag at maliligawin. 24 Bier. Ss. Juan de la Cruz kp.

Yaong tatlong araw ay nang maganap na sa Hari ay nan~gag-paalam na sila, at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia at sa Haring Clovis humarap pagdaca. At ipinagsabi yaong casagutan niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay, at nang matapos nang canilang isaysay ang lahat, sa Hari ay sinabi naman.

Sa pakikibaca't upang di maamis tanang vasallos co na iyo ring cabig, saclolo mo'y ano at ikinacait n~gayong cailan~gan sa pakikicaliz. Bakit n~gayo'y parang di mo dinaramdam na nan~galulupig nang m~ga caauay, ang cabagsican mo naman ay nasaan at hindi gamitin sa ganitong araw.

At, kung ang isang Eduardo, na matapos mong limutin ang sumpa, matapos mong maulol ay nagduyan ka sa ibang palad at nawiling sumabisig ng ibang lalaki ng dahil sa salapi iyong nilimot, ay paano pa kung sa ibang araw naman ay makakita ka ng lalo pang mariwasa at kagiliwan mo namang panibago?

At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga pan~gun~gusap na itó: M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong amá ay makalaya.

Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa hating gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabás pumasok sa dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag sa init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharáp; datapwa't ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g isang mambisa at pantalong kulay abó, salakót na may palamuting gintô at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw , dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle .

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin n~g Bayan pagka't siya ang laping umaabuluoy sa kanyang m~ga kapansanan. Kaya't siyang hanapin sa m~ga tindahan. 18 Mar. Ss. Venancio mr., Felix sa Cantalicio kp., Alejandra at Claudia m~ga bg. at mr. Bagong Buwan sa Magkakambal 2.25.2 ng Gabi Paglalahông pangkát n~g Araw na di makikita. 19 Mier Ss.

Hindî gayon ang m~ga fraile at ang caniláng m~ga alagád at cacampí, ¡pinag-usig n~g canilang galit si Rizal hangang sa maipabaríl; hindî tinantanan n~g caniláng poot cahi't bangcay na, pinabantayán labing limang araw ang libin~gan at malaon n~g patáy ay kinagagalitan pa rin!

Kaginsaginsa'y itinanong: ¿Hindi ba iyan ang masong animo'y kasintahan ni Teang noong araw? ¡Tia ... saka idinukmo ang mukha sa kandun~gan n~g ale, at sa muling pagan~gat ay idinugtong: ¿Di ba kayo namumuhi sa akin? ¿Bakit ako namumuhi? malumanay na ipinakli n~g matanda na ang isipa'y nagduduklayduklay sa balabalaki n~g kabataan.