United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang makapisan ng mariwasa ay nagbago; naging isang babaing lumimot ng kanyang kahapong lipos ng dilim sa buhay! Oh! babae, magbago ka sana at kundi dahil sa iyo ay hindi masasawi ang isang lalaking kulangpalad na iyong pinaglaruan. Dahil sa iyo ay nasawi ang isang Daniel at ngayon ay sumahukay na ikaw ang naging sanhi.
Minatamis niya ang siya ay sumahukay na taglay ang kalinisan ng sarili at ayaw nang siya ay papanaw sa mahiwagang daigdig na ito na may putong ng kawalang puri, minatamis niya ang mamayapa na taglay ang kalinisan ng tibukin ng puso, at pagkawalang masamang asal na kapulapula sa harap ng kapisanan.
Naging kahabaghabag ang kanyang palad, naging kaawaawa ang kanyang puso sapagka't inulol ng kanyang kabiyak at sa malabis na pangingilag sa pulang iuukol ng madlang makaalam ay minatamis pa ang siya ay sumahukay.
Salita Ng Araw