United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mahal kita kahit ako ay may asawa. Leoning, huwag mo nang gambalain ako, hala, layuan mo na ako. May asawa ka nga pala. Eduardo! na biglang niyakap si Eduardo ni Leoning at pinaghahagkan ang namumutlang pisngi ng binata, hinagkan sa labi.... Leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng iyan? Eduardo, mahal kita. Leoning, bitiwan mo na ako, iwanan mo na ako, utang na loob.

Ang gabi ay tahimik at ang maliwanag na sikat ng buwan ang siya lamang nakakamalag sa dalawang pusong mapalad na yaon. Saan naroon ang dalawang ito? Saan natin sila makikita? Datapwa't kung nais natin masaksihan ang kanilang maligayang paguulayaw ay narito at madali nating makikita. Ating tingnan ang halamanang maraming bulaklakan nila Leoning.

At, hindi ba ikaw rin Leoning ang may sabing hangga't maililihim natin sa madla ang malinis na pagiibigan ay di natin ipamamalay?" Oo, Eduardo. Kaya't wala akong maging paraang gawin upang ibalita sa iyo ang gayong nangyari sa akin at saka mababatid mo na, naito ang kadahilanan kung bakit ang mga liham mo ay di ko nasagot.

Sa harap ni Leoning ay isang kinatawan ang pumuri, isang mataas na tao. Datapuwa't pagkalipas ng ilang saglit ay dinukot ng kinatawan sa kanyang bulsa ang taglay na orasan at nang makitang ikaanim na pala at kalahati ng hapon ay nagtindig siya at sinabing: Magpapaalam na po ako sa inyo.

Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.

Datapwa't anong palad, nasa harapan pa lamang siya ng kanilang tahanan ay siya namang pagdating ng asawa na noo'y sakay sa kanyang autong "Cadillac". At, sa pagkamalas na iyon kay Leoning ng asawang bagong dating ay kinabahan siya ng dibdib. Ano kaya ang kanyang masasabi, hindi kaya tuloy mapuna pati ang kanyang ayos? Sinasasal ng tibok ang kanyang puso ng isang malakas na bungtonghininga.

Oh! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! Wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni Eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ¡Ay! oo dahil lamang sa iyo Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot! Leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? Nahan ang dakila mong sumpa? Bakit nga naman Leoning?

At, hanggang sa siya ay mapagisa na lamang sa pangungulila na wala rin siyang naaalaala kundi ang kanilang kahapon ni Leoning. Nararatay ngayon siya sa banig na nagdadalamhati at nangyayayat ang katawan. Kaawaawang binata! Wala nang ligaya ay nawalan pa ng kasuyuan...!

Sukat na Eduardo ko ang paanas na salita ng binibini. Leoning, samantalahin natin ang pagkakataong ito.

Pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. Wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni Leoning. Naglaho ng lahat! Madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. Maminsanminsan ay masabi sa sariling: ¡Ay! Leoning! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat.