United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Oh! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! Wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni Eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ¡Ay! oo dahil lamang sa iyo Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot! Leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? Nahan ang dakila mong sumpa? Bakit nga naman Leoning?

Inilibing siya na sinamahan ng maraming kaibigan at mga kakilala at mga dating kasamahin na nagukol sa kanya ng mga pagdalangin, nagukol ng mga dalanging siya ay mamayapa na doon sa kabilang buhay at harinawang ang lupang itinabon sa kanya ay maging magaan. Lumuha ang mga kaibigan sa pagyaong yaon ng matalik na kasama.

Aling bagay pa kaya ang kalungkotlungkot gunitain sa isang damdamin paris ng maulila sa pagiibigan? May masakit pa kaya sa isang pusong may malinis na pagibig paris ng limutin ng kasintahan? May puso kayang makapagtitiis na hindi lumuha dahil sa paglimot ng isang sinanglaan ng wagas na pagibig? Aling puso ng babai na may malinis na pagibig ang hindi maghimutok sa paglimot ng isang irog?

Lumuha ang nangulila at nanghimutok ang mga may pusong kanyang mga kadamay sa lahat ng bagay at lumuha ang kanyang mga kaabutangpalad. Nagwawakas nga naman ang lahat! Ang lahat ay may guhit ng tadhana ng pagkatapos. Ang mga ligaya sa mundo ay may kalungkutan, ang maligaya ay may kasawian. Tapos nang lahat ang kaligayahan ni Leonora.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap