United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito'y panay na kaligayahan ang aking naranasan; subali't doo'y panay na kalungkutan ang aking makakaulayaw sa araw at gabi. Ako nga'y malungkot at napatulo pa ang aking luha. ¿Nguni't naroroon na'y ano pa ang aking gagawin!? ¡at mayroon man ay wala nang mangyayari! Dumating kami sa Batangan. Mahusay ang Panahon, ang langit ay maaliwalas at malamig ang amihan.
Si Leoning ay wala na hindi na niya pamuling makakaulayaw paris ng dati. Aywan nga ba nama't kay dali ni Leoning lumimot! Para kay Eduardo'y pagkasaklap pagdilidilihin! Diyata at si Leoning pa ang naunang lumimot? Oh! ang babai nga naman! Nahan ngayon ang pangakong sinumpaan ni Leoning sa pagibig? Nahan ang kanyang sumpang hanggang sa libingan ay hindi siya magbabago?
Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.