United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Eduardo, diyata't ang sumpa mo'y napatulad na lamang sa asong matapos tangayin ng hangi'y napauwi sa wala? Napatulad na lamang kaya sa paglubog ng araw sa pagdadapit hapon na hindi na muling sisikat? Ay! alalahanin mo ang aking palad! Sa aba ko! Diyata't papagtitiisin mo ng hirap ang isang pusong umiibig ng tapat? Oo, hindi kumukupas sa puso ko ang banal kong pangako: iniibig kita, iniibig kita!

Leoning, namamali ka; ang sabihin mo'y hanggang libingan. Hanggang libingan na di mo na maaalaala ang iyong pangako? Marahil nga.... Leoning, saan man mahantong ang aba kong palad ay di maaaring mawalay sa gunita ko't alaala ang larawan mo. Isinusumpa mo kaya ang lahat mong mga pangungusap na iyan? Leoning, sumpa ko. Hanggang.... Hanggang hukay Leoning ko! Leoning! Eduardo! Habang buhay!!!

Leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!... At, dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay. Sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. Waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo't manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si Eduardo.

Tangaping malinis at nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director . Isang Sacerdote cay Urbana .

Pagkalipas n~g paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'y guinanap ang kanyang pan~gakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng Ilang-ilang ay sinimulan na. Nalaman mo anak ko: Magbuhat nang ako'y gawaran n~g sumpâ n~g Makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig n~g tinig tao.

Eduardo, sa hanggang dito na lamang at sa iyo ay paalam, malungkot ako sapagka't hindi kita palad at malungkot ka sapagka't ang hinala mo ay dahil sa sumpa kong nilimot. Paalam , At, matapos mabasa ni Eduardo ang liham ay halos mapaluha na lamang at sa puso ay waring walang ibang nagsisidhi kundi ang pighati.

Huwag mo nang pakialaman ako. Hindi Eduardo, ang sakit mo, ay sakit ko rin. Leoning, lumayo ka na sa akin. Hindi na maaari ang lahat. Eduardo, hindi, asahan mong mahal ka pa sa akin kahit ako ay may asawa. Mahal? oh! Leoning. Maniwala ka. Dahil sa sumpa mong nilimot? Eduardo, hindi ako lumilimot!

At, kung ang isang Eduardo, na matapos mong limutin ang sumpa, matapos mong maulol ay nagduyan ka sa ibang palad at nawiling sumabisig ng ibang lalaki ng dahil sa salapi iyong nilimot, ay paano pa kung sa ibang araw naman ay makakita ka ng lalo pang mariwasa at kagiliwan mo namang panibago?

Ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, ang coje niya'i, quinuha sa lupa'i, inihulog na. Naguing isang caragatan na malalim at maluang, hindi nanga nacaraan cabayo nang haring mahal. Di anong magagaua pa di na macahabol siya, guinaua nang hari baga benendicionan pagdaca. Sa pangalan nang May-gaua nang Dios Haring daquila, ito ngayong aquing sumpa tumaláb sa iyong paua.

Kung ibig na ninyong magbalik ay hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo n~g inyong loob. Subali't alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat taglayin sa m~ga darating na araw, sa harap n~g bayan, sa harap n~g Diyos at sa haráp n~g inyong sariling budhi. ¡Gawin n~g sino man ang maibigan! Datapwa't, ¡bumagsák sa ulo n~g m~ga may sala ang sumpa!...