United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Wala, wala na, nauwi na lamang sa pangarap ang kanyang maligayang kahapon. Oo, ang lahat ay parang maitim na lamang na ulap para sa kanyang palad. Naglaho na ang kanyang langit, naglaho na si Leoning at nilimot ang sumpa. Naglahong lahat! Oo, naglaho ng lahat, at wala ng kapagapagasang pamuli pang manumbalik ang kanilang masayang kahapon.

Bakit ngayon ay naglahong lahat? Hanggang libingan.... Hanggang hukay! Oh! ang mga iyan ay naglaho ng lahat! Kabulaanang lahat! Kasinungalingang lahat! Oh! ang lahat ay wala, parang bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala! Wala ng lahat, paraparang nabaon sa limot, sa ulap, sa wala.

Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.

Oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. Ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. Ang maningning na pagasa ni Eduardo ay waring may nakabadhang ulap. Ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? Aywan din natin. Kaya sa pagiisa ngayon ni Eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa.

Parang kakahapon lamang na sila ni Eduardo ay lagi ng maliligaya at nagduduyan sa katamisan ng pagibig datapwa't ngayon, ngayon ay parang naging ulap na lamang, paraparang naglahong lahat. Kahabaghabag na Eduardo! Pusong sawi at kulang palad!

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap