United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
At walang waring nagugunita si Eduardo kundi ang malulungkot na kapalaran ng kanyang palad. Waring isang libingang sakdal saklap ang kumuwakaway sa kanyang palad! Oh! kay saklap na dilidilihin ng lahat.
Maanong sa ngayon ay idulot mo na at kung hihintayin mo pa ang bukas, oh! Leoning, sa aba ko ay wala na! Tila isang libingang napakapanglaw ang kahihinatnan ng palad ko. Kaya, kung may paglingap ka ay igawad mo na ngayon sa akin. Ang ganitong mga pangungusap na binigkas ni Eduardo ay parang lubos na tumagos sa kaibuturan ng puso ni Leoning.
Leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!... At, dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay. Sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. Waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo't manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si Eduardo.
Lingapin mo ang isang dahil lamang sa iyo ay masasawi, dahil sa iyo ay mawawalang pagasa, mawawala ang kaaliwan, mawawalan ng lugod sa puso at marahil sa wakas ay walang kasasadlakan kundi isang hukay, isang libingang mapanglaw. Leoning, Leoning, maawa ka! Lihim mo sanang pakinggan ang daing ng iyong nilimot.