United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sinisisi ko'y ako ri't di iba na kusang nadaya ay di alumana nasabik ang puso sa maling pagasa di magtiis namang buhay ay mapaka. Hanggang dito't yamang wala n~g panahon itong nalugami sa pagkaparool akong inayop mo'y di na malalaon sa dustang libin~ga'y pilit na hahantong.
Ang kanyang pagasa ay natulad na lamang sa layak na tinangay ng hanging inilipad sa alapaap na di niya maalaman kung saan hahantong. Natulad siya sa isang liriong nalanta sa pagmamaramot ng patak ng hamog ng gabi, tulad ng batisang natuyo't sukat, tulad ng talang maningning nguni't hindi kumikislap. Walang sa sarili ay nasasabi maminsanminsan, kundi: ¡Ay!
Leoning, nang dahil sa sumpa mong nilimot!... At, dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay naglahong lahat ang pagasa niya at lugod sa buhay. Sinakmal ng papawirin na di malaman kung saang bahagi ng kapuluan hahantong. Waring isang libingang mapanglaw, isang libingang sawi at ni bulaklak man lamang ay di tumubo't manariwa dahil sa tigang na lupang sadlakan ng mga sawi: iyan si Eduardo.
Salita Ng Araw