United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !
At aquing tinun~go na cusang hinanap ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac pagdating co roo'y, pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas. N~guni at nalooy, nalagas na tunay nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam, napaui ang gandá, lumipas ang culay, caya,t, ang puso co ay muling nalumbay.
Ang kanyang pagasa ay natulad na lamang sa layak na tinangay ng hanging inilipad sa alapaap na di niya maalaman kung saan hahantong. Natulad siya sa isang liriong nalanta sa pagmamaramot ng patak ng hamog ng gabi, tulad ng batisang natuyo't sukat, tulad ng talang maningning nguni't hindi kumikislap. Walang sa sarili ay nasasabi maminsanminsan, kundi: ¡Ay!