United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bakit daglian mong nilimot ang dating kasuyuan? Hindi mo kaya nagugunitang dahil sa sumpa mong nilimot ay may isang palad na ngayon, ay sinisiklotsiklot ng bagabag? Hindi mo kaya nababatid na may isang pusong sa mga pasakit, na, natulad sa bulaklak na naunsiami? Leoning, kahabagan mo ang isang palad na tulad ni Eduardo.

At buhat noon ang puso ko'y naging laruan ng hirap. Natulad sa isang putol ng kahoy sa gitna ng dagat na sunodsunuran saan man dalhin ng alon. At sa mga bayo ng sakit ay hindi ko naikubli ang akin pagtitiis. Nahalata ng aking mga kaklase sa Ateneo at sa isa sa kanila na nagngangalang Pedro Batobalani ay naipagtapat ko ang aking dinaramdam.

Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.

Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.

At, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni Eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? Ano ang kanyang sasabihin? Si Eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. Tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. Nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan.

Ang kanyang pagasa ay natulad na lamang sa layak na tinangay ng hanging inilipad sa alapaap na di niya maalaman kung saan hahantong. Natulad siya sa isang liriong nalanta sa pagmamaramot ng patak ng hamog ng gabi, tulad ng batisang natuyo't sukat, tulad ng talang maningning nguni't hindi kumikislap. Walang sa sarili ay nasasabi maminsanminsan, kundi: ¡Ay!

Ang binatang ito ay tumutugon sa pangalang Daniel Perez, na ngayon ay naninirahan dito sa siudad. Siya'y isang kilalang mayaman sa Kabisayaan. Daniel Perez, iyan, iyan, ang kalaban ni Eduardo sa pagibig kay Leonora. Ang pagibig nga naman ni Leoning! Ang pagibig ni Leoning ay parang natulad sa bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala.