United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang. Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá. Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan. Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.

Lumuhód sa harap n~g canyang magulang bendición po ninyo aco,i, pabauonan, ang camáy nang amá,i, iguinauad naman pinahalíc niya at benendicionan. At saca sa iná ay siya,i, lumapit hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc, benendicionan di,t, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay masapit.

Ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, ang coje niya'i, quinuha sa lupa'i, inihulog na. Naguing isang caragatan na malalim at maluang, hindi nanga nacaraan cabayo nang haring mahal. Di anong magagaua pa di na macahabol siya, guinaua nang hari baga benendicionan pagdaca. Sa pangalan nang May-gaua nang Dios Haring daquila, ito ngayong aquing sumpa tumaláb sa iyong paua.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap