United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Unti-unti na ngang nakita ni Eduardo ang malaking ipinag bago ni Leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan. Ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay Leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan.

At nagkamayan ding mahigpit ang dalawang magkaagaw kay Leoning: si Eduardo at si Daniel Perez palibhasa'y ang gayon ay kaugalian na ng lahat. Datapwa't ang ginawi ni Leoning upang hwag mahalata ng kanyang kaibigang Ester at saka ng bago niyang kasuyuan ay iniabot ang kanyang kamay sa binata at nagbigay-galang: Eduardo de la Rosa, ang aba ninyong lingkod na mapaguutusan ng kaya.

At, hanggang sa siya ay mapagisa na lamang sa pangungulila na wala rin siyang naaalaala kundi ang kanilang kahapon ni Leoning. Nararatay ngayon siya sa banig na nagdadalamhati at nangyayayat ang katawan. Kaawaawang binata! Wala nang ligaya ay nawalan pa ng kasuyuan...!

Eduardo, kung nalalaman mo lamang ang kalagayan ko, marahil ay mapapahabag ka rin sa iyong dating kasuyuan ngayong abangaba at may sugat ang puso. Oo, Eduardo, kung nasa piling lamang kita! nguni't wala na nga lamang pagkakaari pa ang lahat. Huli na ang lahat. Oo, huli na Eduardo.... At marahil sa pagtanggap mo nitong liham at pagkatapos mong mabasa ay ilang oras na lamang ang darating at oh!

Si Leoning ay napapaluha na lamang halos sa bawa't sandali. Ang kanyang puso'y lihim na tumatangis. Si Eduardo nga nama'y kay daling lumimot! At, ngayon ay boo na sa kalooban ni Leoning na sadyang siya ay nilimot ni Eduardo. Aling puso nga namang tulad ni Leoning ang hindi tumangis? Aling kaluluwa ang hindi dalawin ng lungkot kung gayong maulila sa kanyang kasuyuan?

Waring sa mga bisig ni Eduardo ay naghehele sa katamisan ng pagindak si Fely, datapwa't gaano nga naman sanang lugod kung ang makakasayaw ni Eduardo ay ang dati niyang irog? Para kay Eduardo ay naliligayahan man siya nang mga sandaling yaon ay isang kaligayahang pangkaraniwan lamang at di paris sana kung kasayaw ang dating kasuyuan, si Leoning, nalubos sana ang kagalakan ng kanyang puso.

At, sa pagiisa ni Leoning ay sumagi sa kanyang alaala ang kanyang naging kasuyuan. Kulang palad na Eduardo! Kaya nagmuni siya sa sarili. Diyata pala at naglulubha ang nagi niyang kasuyuan na di niya namalayan agad? At, sa pagmumuni niyang yaon ay naisipang dalawin ang binatang nagi niyang kasuyuan kahapon. Nagbihis upang gumayak at kusang dalawin ang kanyang naging irog.

Bakit daglian mong nilimot ang dating kasuyuan? Hindi mo kaya nagugunitang dahil sa sumpa mong nilimot ay may isang palad na ngayon, ay sinisiklotsiklot ng bagabag? Hindi mo kaya nababatid na may isang pusong sa mga pasakit, na, natulad sa bulaklak na naunsiami? Leoning, kahabagan mo ang isang palad na tulad ni Eduardo.

Wala na, wala na, at makailan na niyang tangkaing dumalaw datapuwa't para lamang pagabigo ang kanyang nakamtam. Ano nga kaya naman ang nangyari sa kay Leoning? Bakit? Bakit daglian naman siyang lumimot sa dating kasuyuan...?

Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...