United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya sa pagkakapako ni Daniel na iyon sa pintuan ng silid na ang buhok ay gusotgusot na nilabnot ng kanyang kamay, habang tinititigan ang pintuan ay wari bang nababasa naman niya ang mga ganitong titik: "Si Daniel ay kahabaghabag na asawang pinagsukaban ni Leonora at kahit na sa harap ay ginagawan ng katawatawa". Kulang palad na Daniel na pinagtaksilan ng asawa!

Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...

Samakatwíd ay oo't nagsisi n~ si Tuníng kayá't humin~ pa n~g tawad sa pinagtaksilán niyáng binata, subali't dahil dito'y hindí siyá matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkákatapon sa tunay na dugó n~g kanyáng pusó. Kung ang gayóng ginawá n~g babaing ito'y oo't napatatawád n~g Diyós, sa m~ga tagá-lupa'y waláng makapagpapatawad marahil.

Pinagtaksilan ang sariling asawa at kung siya man ngayon ang pinaguukulan ng pagmamahal ni Leoning, ay naaalaala niyang bukas ay baka naman gayong ang gawin sa kanya. Naisip na niya ang lahat. Napakasal si Leoning sa iba gayon sila ay may sumpaan at nang nasa piling na ng asawa at hindi makalasap ng katamisan ng pagibig ay sa kanya rin nagbalik. Napagaralan niya ang lahat sa buhay ni Leoning!

Wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa.... Oh! diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? Kay samasama! Anong samang pakinggan! Nagtaksil, nagsukab ang asawa. Kay samasama nga naman!

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap