United States or Lebanon ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Lin~gapin mo n~ga, Tirso, ang ganitong kalagayan kong napagsapit alangalang sa iyo ... Alangalang sa iyo sapagka't ang pagiisa kong kasama mo nang tayo'y mainip na salubun~gin n~g kapatid ko sa lunsaran sa Pandakan ay siyang pinagmulan n~g lahat niyang pagkagalit sa akin." "Dapat kong ipagtapat, Tirso, na nakagawa n~ga ako n~g malaking pagkakasala.

At, sa pagiisa niyang yaon at samantalang ang kanyang asawa'y nasa kandungan ng ibang bisig, ay ginawa niya ay itinaas na lamang ang dalawang kamay at ang paningin ay ipinako sa itaas at waring nagukol ng mataimtim na dalangin; sa kaitaasan nakatitig ang kanyang dalawang matang binubukalan ng luha.

Oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. Ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. Ang maningning na pagasa ni Eduardo ay waring may nakabadhang ulap. Ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? Aywan din natin. Kaya sa pagiisa ngayon ni Eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa.

Kaya Leoning ko, inaasahan kong sa mga labi mo ay buhat ngayon ay maririnig kong bibigkasin mo kung ako'y tatawagin ang ngalan Eduardo ay dagdagan mo sanang lagi ng salitang "ko" na: Eduardo ko. Eduardo ko? Ang ganyang ay laon kong sa puso ay lihim na siyang, tinatawag sa pagiisa. Leoning, diyata, kay sarap mo nga palang magmahal. Oo, Eduardo ko, malaon na. Na di na kaya magbabago?

Nguni't sa pagiisa ni Eduardo ay kanyang naiisip na matagal pang panahon bago niya masisilayan ang mukha ni Leoning. Iyan ang mapait dilidilihin para sa kanya. Kailan pa niya makikita ang mukha ng kanyang kasintahan? Kailan pa? Kailan pa kaya niya makikita ang kanyang ilaw at buhay? Kailan niya makikita ang titig na mapangakit ng kanyang Leoning? Kay pait nga naman ng ganito!

At ang sanhi n~g lahat ay mapagkikilala sa isinasaysay n~g kalatas na itong kanyang sinusulat sa gayong pagiisa sa loob n~g kanyang tahimik na silid: "Pasay, Enero I, 1916."

Paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. Limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad. Iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. Kaya sa pagiisa ni Eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni Leoning at ni Daniel ay tila halos kuyumusin.

Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: Sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang.

Sa kanyang pagiisa ay madalas na pumapatak na lamang ang masasaklap na butil ng luha luhang tila perlas na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Kay pait ng mga sandaling mangulila sa kasuyuan! Apat na liham na ang kanyang ipinadala kay Eduardo, nguni't kahit isang kasagutan ay di siya nagtatamo man lamang. Nasaan nga naman ang dating paglingap ng ating binata?

Pawang pagkabigo nga lamang ang nangyari sa kanya. Saang lipunan niya makikita ang kanyang iniirog? Oh, Maynila iyan pala ang Maynila, iyan pala ang iyong kahiwagaan! Kay gusot na siudad! At, si Leoning sa kanyang pagiisa ay minsan ay nasasabi na lamang sa sariling: Oh, ito ba ang Maynila? Kay gusotgusot pala! Ang lahat nga lamang para sa kanya ay pagkabigo.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap