United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Siya ay isang mayamang sa Tundo. At, sa akala mo kaya ay talagang mariwasa? Sa palagay ko, sukat na ang sa kanyang kilos ay makilala. Ang autong kihalululanan ng binibining ating nakita ay pagaari niya bukod pa sa ang matandang yaon ay madalas kong makitang kasama ng mga matataas na taong nabibilang sa mga lalong kilalang lipunan na kadalasan ay mga kilalang abogado at kinatawang bayan.

Pinagsusuri niyang mabuti ang kalooban ng kinatawan na baka ang gayong ginagawi ng ginoo ay isang paghamak lamang sa kanyang pagkatao. Baka isang pagalipusta nga lamang pagka't, sino nga ba naman siya sa harap ng isang kinatawan gayong siya ay isa lamang hindi kilala sa mga lubhang matataas na lipunan. Sino nga ba naman si Eduardo sa harap ng isang marangal na tao? Sino siya?

Namatay si Daniel Perez, ang asawa ng isang magandang babae, na kilala sa mga mataas na lipunan ng siudad. At, ang pagpapakamatay na ito ni Daniel ay nagkaroon ng mahiwagang kurokuro ang ilang nakamamalay ng lihim.

Pawang pagkabigo nga lamang ang nangyari sa kanya. Saang lipunan niya makikita ang kanyang iniirog? Oh, Maynila iyan pala ang Maynila, iyan pala ang iyong kahiwagaan! Kay gusot na siudad! At, si Leoning sa kanyang pagiisa ay minsan ay nasasabi na lamang sa sariling: Oh, ito ba ang Maynila? Kay gusotgusot pala! Ang lahat nga lamang para sa kanya ay pagkabigo.

Hindi na narinig at para bang hindi na pamuling sisipot sa maliwanag. Nasaan kaya siya at ano ang kanyang kabuhayan? Ang madlang kakilala niya ay nananabik na makakita sa kanya dahil sa pagkamabuting bata. Nawala at ngayon ay hindi na naririnig sa mga lalong matataas na lipunan ang ngalang Eduardo de la Rosa.

Nawala na kaya sapagka't ikaw ay nabilang na sa matataas na angkan ng mga tao ...? Nawala na kaya sapagka't ang mga marami mong nakakaharap ngayon ay mga taong nabibilang sa matataas na lipunan at mga kilala, mga mariwasa, mayaman at masalapi? Ito kaya ang sanhi ng lahat ngayon Leoning?

Lumuluha ang isang Eduardo dahil sa sumpang nilimot ni Leoning. Mga pusong nagsisitangis. Ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni Eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa Maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni Leonora at ni Daniel Perez.

Kaya walang naghahari sa mga lipunang dating kinabibilangan at kinasasamahan, ni Daniel Perez, kundi ang sarisaring bulungbulungan: May iba't ibang palagay ang isa at may iba't ibang pagkukuro ukol sa pagkamatay na iyon ni Daniel Perez. Nagbaril sa sarili ang kulang palad! Nagbaril si Daniel Perez, na ang balita ay halos kumalat sa lalong matataas na lipunan sa Maynila.

Pusong babaing nang makayapak sa tuntungan ng matataas na lipunan ay nalimot ang dating kaugalian. Nagkaroon ng pusong walang iisang itinitibok: salawahan. Pusong laging nauuhaw sa kaligayahan at pusong hindi na nakakaramdam ng dating sakit at hirap na kanyang katutubo nang mga nakaraan.

Maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng Maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang Eduardo de la Rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. Ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap