United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


At dumating ang sukab na asawa, may ngiti sa labi at may titig na mapungay na isasalubong sa asawa, datapwa't ano, at ano pa ang igaganting loob ng kanyang pasasalubungan? May sugat at nagdurugo ang dibdib ni Daniel sa tama ng rebolber. Daniel, Oh! Poong Diyos, Daniel, bakit, bakit nagbaril ka sa sarili? na noo'y nakita pa ni Leonora na hawak ang rebolber ni Daniel, na nakahandusay at sawi.

Halos nabatid ng marami nguni't ang sanhi ay tila naging lihim sa madla. Walang naghari kundi ang mahiwagang pagpapakamatay ni Daniel Perez, datapwa't hindi nababatid ang lihim. Mga bulungbulungan lamang ang siyang kumakalat: nagbaril si Daniel Perez ng hindi malaman ang sanhi. May nagsasabing sadya ng nagsasawa sa buhay at may nagsasabing nasiraan ng pagiisip, kung kaya't inutas ang sarili.

Datapwa't siya ay hindi na natugon. Wala nang ulirat. Bangkay nang mistula! Kay lungkot na mga sandali noon! Tinanong ng mga kaibigan at ng madlang nakasaksi sa pagpapatiwakal na iyon sa sarili ni Daniel Perez, datapwa't walang maisagot si Leonora kundi isang iling lamang. Hindi malaman ang hiwagang yaon kung ano ang sanhi at nagbaril sa sarili si Daniel Perez.

Kaya walang naghahari sa mga lipunang dating kinabibilangan at kinasasamahan, ni Daniel Perez, kundi ang sarisaring bulungbulungan: May iba't ibang palagay ang isa at may iba't ibang pagkukuro ukol sa pagkamatay na iyon ni Daniel Perez. Nagbaril sa sarili ang kulang palad! Nagbaril si Daniel Perez, na ang balita ay halos kumalat sa lalong matataas na lipunan sa Maynila.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap