United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Eduardo ay muling nanhik kina Leoning at sana'y pamuli pa niyang kakausapin ang binibini at ipagpatuloy ang naputol nilang masayang paguusap datapwa't ang gayon ay di na nangyari sapagka't maraming nagtatanong sa puno't dahilan ng gayon at pati si aling Rita ay nakihalo na sa kanilang paguusap sa kahiwagaan ng nangyari.
Ester, tila po may ibig sabihin ang lahat ng pangungusap ninyo ah! Wala po at siyang katotohanan. Katotohanan daw? hindi po yata. Na sino kaya siya? Wala pong iba kundi si.... Sino po? Si G. de la Rosa. At si G. Dela Rosa po pala? Kay laking kahiwagaan ng ginawa ninyong pagtataka para sa akin. Hindi ninyo dapat ipagtaka.
Pawang pagkabigo nga lamang ang nangyari sa kanya. Saang lipunan niya makikita ang kanyang iniirog? Oh, Maynila iyan pala ang Maynila, iyan pala ang iyong kahiwagaan! Kay gusot na siudad! At, si Leoning sa kanyang pagiisa ay minsan ay nasasabi na lamang sa sariling: Oh, ito ba ang Maynila? Kay gusotgusot pala! Ang lahat nga lamang para sa kanya ay pagkabigo.