United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng Maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang Eduardo de la Rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. Ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan.
Ang ngalang Eduardo de la Rosa ay waring nawala na pati at lumubog sa mga samahang tanyag na kabinataang dating kanyang pinakikisamahan. Nawala siya at ngayon ay hindi na nakakasama ng mga dating kasamahin.
O kabinataang bagong sumisibol, itong abang lagda sa iyo'y patunkol. Pakatandaan mo itong m~ga hatol na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong. Ang pagpipitaga't pakikipagkapua ay siyang sagisag n~g pagka-dakila; kapág sa sinuman ito ay nawala, iyan ay di dapat, humarap sa madla.