United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Sa kapisánang itó nagbubúhat ang pagbibigátan ng loób, díto nababanáag ang lahat ng mga ugáling karumaldúmal ng kabataang Libis; dito nádadamá ang maráming katotohanang masasakláp na dápat ikahiyâ ng ating mga nunò sa kabiláng búhay. "Hindî kayâ marápat na lansagín ang kapísanang iyán? "Hintáy ko ang pasiyá ng kapulúngan." Ang kapulúngan ay di sumásagot.

Maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng Maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang Eduardo de la Rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. Ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan.

Walâ pa ditong tunay na kalakasan ng loob na kinakailangan upang maisagawâ ang isang adhikâng mataas! "Ah, Kabatáan, Kabatáan! Kay lakás mong mangárap, dapwa't kay dalî mong masawan, kay dalîng manglumó ng iyong pusò, kay dalî kang panghináan ng túhod!... "Iyán ba ang kabatáang pinangápangárap ng Dakil

"Iyán ba ang kabatáang inaasahang tútubós sa Báyang itó na ngayo'y nábibingit sa bangin ng kamatáyan? "Iyán ba ang mga kawal ng tagumpay Bukas? "¡Ah, Kabatáan! kung ang mga malilíit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buháyin, papaáno kayâng pagbúhay ang iyong gágawin sa isâng Bayang malay

"Sa gitnâ ng ganitóng kalagáyang dápat ikahiyâ ng kabatáang Libís, síno ang áting dápat sisíhin? "Ang mga nangungulo sa kapisánan? "Akó na maláon nang nagmamasíd sa ginagawâ niláng pagtupád sa kanikaniláng tungkúlin, ay walâng úlikúlik na makakapagsábi na ang mga ginóong iyán ay nagawâ ang lahat ng abót ng kaniláng káya.