United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa boong pananalig ng ating binata ay lagi nang inaalaala ang kanyang irog, na inaasahan namang gayon din sa kanya ang binibini. Si Eduardo magmula na nang siya ay makilala ng kinatawang Velarde ay waring lalong naging masigla at masikap sa kanyang pagtuklas ng karunungan.

At pagkuwa'y naibulong pa rin niya sa sarili. Aywan ko sa kinatawang iyan kung bakit sinabi niyang ako ay kanya nang nakilala noong pang una. At, ang katotohanan nga naman ay sadyang hindi pa nakakatagpo ni Eduardo ang kinatawang ito. Para kay Eduardo, hindi man lamang sila nagkakatama ng mata kundi ng mga sandaling yaon lamang. Ang katotohanan ay talagang hindi.

Datapuwa't hindi, si Eduardo ay isang may magandang bukas. Hindi pa lamang dumarating ang kanyang araw, hindi pa lamang ganap na sumisikat ang magandang liwayway ng kanyang palad ... Oo, si Eduardo ay hindi rin naman lubhang kaabaabaan sa harap ng kinatawang ito. May maningning siyang bukas na hinihintay. Siya ay may maningning na pagasang kasing uri ng lantay na ginto. Higit pa marahil sa ginto!

Kinararangal kong ipakilala sa iyo ang kinatawan sa lalawigang C ... ang kagalanggalang na kinatawang Velarde. Eduardo de la Rosa po. Maraming pong salamat. Ang binata pong iyan ay aking kababayan ang patulo'y ni Leoning. Siya ay isang nagaaral dito sa Maynila at di magluluwat at makatatatapos na sa kanyang pagaaral, ilang araw pa't siya'y isa nang manananggol na tatawagin.

Gayon na lamang ang pagkamangha ng dalawang kaharap, sa kinatawang nagsasalita at kung bakit nga nama't ayaw pang ipagtapat agad ng lubusan ang kanyang sasabihin. Nang kayo ay unang makilala ko, G. de la Rosa, ay buhat pa noong kayo ay magtamo ng First Prize sa ginanap na talumpatian ng mga nagtatapos sa kolegio ng pagkamanananggol sa maaliwalas na Grand Opera House.

Isang araw, bago sumapit ang ika 30 n~g Nobyembre n~g taong 1921, na ginawang araw na pan~gilin mula noon n~g ating m~ga Kinatawang tagapagbatás, lumapit sa akin ang m~ga anak kong nagsisipagaral sa m~ga paaralang-bayan at ibinalita ang ganito: "Bukas anilá wala kaming pasok. Pistá daw, tatay, ni Bonifacio." At saká pamanghang itinanóng sa akin: "¿Sino ba iyang si Bonifacio?"

Siya ay matapat at sa mga noo niya ay mababakas ang pagkamatalino at mabait na tao. Siya ay matapat at di kakakitaan ng ugaling magaspang na ginagamit lamang ng mga diwang may masamang pagiimbot. Ang ugali niya ay hindi makapagbibigay suklam sa harap ng iba. Kaya minsang siya ay nagsadya sa tahanan ng kinatawang Velarde upang siya ay magaral ng mga lalong tumpak at wastong pangangatuwiran.

Siya ay isang mayamang sa Tundo. At, sa akala mo kaya ay talagang mariwasa? Sa palagay ko, sukat na ang sa kanyang kilos ay makilala. Ang autong kihalululanan ng binibining ating nakita ay pagaari niya bukod pa sa ang matandang yaon ay madalas kong makitang kasama ng mga matataas na taong nabibilang sa mga lalong kilalang lipunan na kadalasan ay mga kilalang abogado at kinatawang bayan.

Kaya't kanyang naitanong sa sarili: Datapuwa't ang sumagot ay ang kanya na ring sarili; Nakatagpo ko na kaya ang kinatawang ito? Sinagot ng kanya na ring budhi: hindi, hindi, hindi. Hindi pa niya namumukhaan ang kinatawang yaon. Gayon na lamang ang kanyang pagkamangha: isang kinatawan pa ang nakakilalang mauna sa kanya. Nagtataka siya nang gayon na lamang.

At, sa ano pong paraan? Nakilala ko siya sa isang pagkakataon. Samantalang sa kabilang dako ay ni kaputok na salita ay di man lamang makabigkas ang ating binata dahilan sa kanyang pagkamangha sa mga pangungusap ng kinatawan. Bakit sinabing siya ay nakakilala ng kinatawang yaon? Bakit nga naman ay sa ngangayon lamang sila nagkatagpo? Sa paanong paraan siya nakilala ng kinatawang ito?