United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


At, oh! palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si Fely Ester sa kaibigan niyang Leonora at sinabing: Leonora, ipinakikilala ko sa iyo si G. de la Rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. Halos mahimatay ba wari si Leoning. G. de la Rosa? oh! ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Eduardo pala ang naibulong sa sarili ni Leoning.

Siya, ni sino man, ay walang katunayang máihaharap na tinanggap ko ang iyong pag-ibig at ngayo'y hindi ko masabi kung sa pagiibigan ang ating napaguusapan noong araw at kung pagiibigan nga ay hindi ko rin masasabing inibig kita sa hayagan ó sa lihim man, sapagka't noo'y musmos pa ako at wala akong muwang sa ngalang pagiibigan.

Bagkus lalong naaalaala niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila nakatitik ng ginto ang ngalang Leoning na hindi niya malimutlimutan. Datapwa't wala ring mangyayari, hanggang sa limutin nga lamang, ang sa wakas ay mabuting magawang paraan. Oo, limutin na lamang sapagka't hindi na niya maaaring ibigin si Leoning, dahilang ang kanyang pakikipagisang puso ay di na malalaon at isasagawa na.

Ibig niya na ang bawa't isa ay mabuhay sa ikagagaling ng mga iba at dahil dito ay inihahayag niya sa isa't isa ng paminsan ang makabuluhan sa sarili at pati ng sa iba. Napag-unawa ko nga na ang mga tao na may paniwalang nabubuhay sa sariling sikap, ay hindi nga nabubuhay kundi sa ngalang pag-ibig.

At, sa mapayapang pamumuhay ni Leoning sa piling ang kanyang kabiyak na si Daniel Perez, ang magkasi'y hindi na nakarinig ng ngalang Eduardo de la Rosa. Ano kaya ngayon ang dinaranas na kabuhayan ni Eduardo? Ganyan namang mga haka ang minsan ay naaalaala ni Leonora. Nagugunita niya kahit siya ay mayroon nang kabiyak ng puso.

Hindi na narinig at para bang hindi na pamuling sisipot sa maliwanag. Nasaan kaya siya at ano ang kanyang kabuhayan? Ang madlang kakilala niya ay nananabik na makakita sa kanya dahil sa pagkamabuting bata. Nawala at ngayon ay hindi na naririnig sa mga lalong matataas na lipunan ang ngalang Eduardo de la Rosa.

Ah, samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking sarili sa pagpapalagay na sila sabay turo sa kaharap iyan ay nakilala ko na. Ang ngalang iyan Bbg. Leoning ay nakilala ko na noon pang mga buwang nakaraan. Nakilala na ng kinatawan? At, kayo po pala ay nagkatagpo nang minsan nila? Oo, lamang, ang pagkakakilala kong yaon ay di paris ng sa ngayong kami ay nagkaabutan ng kamay.

Ang ngalang Eduardo de la Rosa ay waring nawala na pati at lumubog sa mga samahang tanyag na kabinataang dating kanyang pinakikisamahan. Nawala siya at ngayon ay hindi na nakakasama ng mga dating kasamahin.

Leoning, Leonora. Sa pagkarinig na gayon ni Eduardo sa ngalang Leonora ay kanyang nawikang sino kaya ang Leonorang yaon? sino ang Leonorang iyon, baka kaya si Leoning ah? At, mahirap nga naman ang pangyayaring yaon dahilan sa hindi sila magkakilala sa may mga takip ang kanilang mga mukha. Isang napakahiwaga ang gayon para kay Eduardo, baka nga kaya si Leoning?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap