United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinagsusuri niyang mabuti ang kalooban ng kinatawan na baka ang gayong ginagawi ng ginoo ay isang paghamak lamang sa kanyang pagkatao. Baka isang pagalipusta nga lamang pagka't, sino nga ba naman siya sa harap ng isang kinatawan gayong siya ay isa lamang hindi kilala sa mga lubhang matataas na lipunan. Sino nga ba naman si Eduardo sa harap ng isang marangal na tao? Sino siya?
Sinasabing ang kanyang pag kamakata ay nasa tulaan lamang at wala sa gawa; na ang kanyang pagkalalaki ay madalas na di nabibigyang halaga sa ginagawi niyang pagpapakadun~gong lagi sa harap n~g babae.