United States or Barbados ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kailangan ang siya ay magkaroon ng ngalan, sapagka't sa kanyang pagaaral pa lamang ay nagpakita na ng ningning ng kanyang pagkamaypagasa sa harap ng kanyang magandang bukas. Ang bukas na sa kanya'y naghihintay. Hindi siya nagkamali sa pagpili ng kanyang minimithing karunungan na pagaralan. Bagay nga sa kanya ang manananggol.

Mga kailan ay isa sa magtatanggol sa katuwirang ayaw pasikatin ng mga may diwang magaspang at mapagimbot. Na, ang lakas ng katuwiran ay siya niyang pasisikatin at ang mga inupasala ay ipagtanggol niya. Magiging manananggol siya, na, sa harap ng kapwa manananggol ay makikipagtalo sa pagtuklas ng mga katuwirang sinisikap pagaralan ng mga lalong matalino.

Marami ng usapin ang kanyang mga ipinanalo, na, ang mga usaping ito ay pawang mga maseselan pa naman. Sadyang ang kanyang mga pinagtagumpayan ay mga usaping mahigpit na pinagaaralang mabuti ng mga manananggol. Taglay niya ang pagkamatalino at maliksing pangangatuwiran.

Kaya, kailangan nga sa kanya ang siya ay mapantay o kung maaari ay humigit pa sa mga lalong tanyag at kilala ng mga manananggol, humigit pang lalo ang kaningningan ng kanyang pangalan sa mga nauna. Ngayon pa nga nama'y makikita na ang kanyang pagka may maningning na pagasa. Ang kalahating taong pagsusulit na ginanap ng kanilang paaralan ay boong layang nalampasan niya.

Sa mga makabuluhang pangungusap at mga mabuting halimbawa na ipinagtapat ng kinatawan sa kanya ay waring siyang nagdulot sa kanyang puso ng lubos na pagaadhika upang lalong maging tawagin siyang mabuting bata. Hindi na nga naman malalaon, siya ay tatawagin ng manananggol. Magiging isang tagapagligtas sa mga inaapi ng maling paratang ng mga may diwang naglulubog ng matuwid.

Kinararangal kong ipakilala sa iyo ang kinatawan sa lalawigang C ... ang kagalanggalang na kinatawang Velarde. Eduardo de la Rosa po. Maraming pong salamat. Ang binata pong iyan ay aking kababayan ang patulo'y ni Leoning. Siya ay isang nagaaral dito sa Maynila at di magluluwat at makatatatapos na sa kanyang pagaaral, ilang araw pa't siya'y isa nang manananggol na tatawagin.

Kaya sa ganang sarili ni Eduardo ay pipiliting mabuti ang pagsisikap upang siya ay magtagumpay. Kung siya man ay makatapos ng kanyang pagaaral ay kanyang sisikaping sa harap ng kanyang kapwa manananggol ay hindi siya, pahuli at bagkus kanyang pipiliting siya, ay maging tampok ang ngalan sa kanyang mga kapuwa. Kailangang ang kanyang ngalan ay magkaroon ng sariling dambana.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap