United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang kanyang puso ay nagkaroon ng panibugho at nais na sana niyang sansalain ang pagpanaog na iyon ng asawa nguni't hindi na lamang niya napigilan. Ang paalam sa kanya ni Leonora ay pupunta sa kaibigang dalaga na si Fely. Datapwa't ang pagpapaalam na iyon ni Leonora ay waring nagdulot sa kalooban ni Daniel ng isang pagkapoot. Dadalawin si Fely? Nagbago ang kalooban ni Daniel.

Sa mga makabuluhang pangungusap at mga mabuting halimbawa na ipinagtapat ng kinatawan sa kanya ay waring siyang nagdulot sa kanyang puso ng lubos na pagaadhika upang lalong maging tawagin siyang mabuting bata. Hindi na nga naman malalaon, siya ay tatawagin ng manananggol. Magiging isang tagapagligtas sa mga inaapi ng maling paratang ng mga may diwang naglulubog ng matuwid.

Parang may sindak, nguni't sa harap pa ba kaya naman ng isang kasintahan masisindak at waring matatakot? Isang hiwaga ang ganito! Sila'y magkapiling ni Eduardo. Ang kanilang mga puso ay parang nangapiping ilang sandali sa dahilang tila tumagos sa puso ng binibini ang pangungusap na binigkas ng binata. Ang huling katagang binigkas ni Eduardo ay parang nagdulot sa puso ni Leoning ng isang pagkaawa.

Bago siya umalis sa kinakitaan niyang yaon ng malaking pagkapoot ng loob ay naghagis muna siya ng isang tingin, datapwat ang pintuang yaon ng silid na kinalalagyan ng asawang sukab ay waring sa kanya ay nagdulot ng malakas na halakhak. Kaya sa panglulupaypay na iyon ng kanyang katawan ay wala siyang malamang gawin. Umuwi ng tahanang malambot na malambot ang katawan.

Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na iniaalay. ¡Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip!

At si aling Rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: Hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. Hindi po. At nanaog na ang ating binata. Sa durungawan ay muli pang nagdulot si Leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay Eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap