United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. Limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad. Iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. Kaya sa pagiisa ni Eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni Leoning at ni Daniel ay tila halos kuyumusin.
Eduardo, hindi..... Leoning, tapatin mo sana ang puso ko. Eduardo, hindi nga kita nililimot, mahal ka sa puso ko na waring ang damdamin ni Leoning ay pinagpupuyusan ng lungkot. Leoning, maliwanag ang pagiisip ko, hwag ka sanang magsinungaling. Eduardo, hanggang libingan, hindi magbabago ang dati kong pagmamahal sa iyo. Leoning, tapatin mo nga sana ako, kausap mo yaring puso.