United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang manhik sa "Hospital General" sina Elsa, manang Magda at donya Basilia, ay dili ang hindi nila napansin na may isang alin~gasn~gas na nangyayari sa bulwagang laan sa m~ga maysakit, na babae. N~guni't kung ano ang sanhi n~g ligamgam na iyon ay hindi na nila hinan~gad alamin.

Ang araw n~g paglilitis ay sumapit. At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis. Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man nangyaring kausapin.

¡Si tia! at n~gumiti pa si Elsa sa pagbigkas n~g m~ga salitang ito. ¡Wala po kayong sukat ipagalaala sa pagkaparito kong ito! ¡Wala raw! Halika n~ga sa loob at dini kita magusap. Nasok ang dalawa sa isang bulwagang wala nang nakatatanglaw liban sa isang munting bughaw na bombilla na taang talaga sa pagtulog.

Kapagkuwa'y narinig na namang nagsisisigaw ang babae. ¡Oh, Tirso! ¡Narito na naman ang halimaw na ganid! ¡Narito't anyong ako'y gagahasain! ¡Iligtas mo ako, Tirso! ¡Halika!... Siyang pagsipot sa bulwagang iyon n~g lalaking pinagpatalastasa't sinundo n~g nurse kasunod si Elsa, si donya Basilia at si manang Magda.

M~ga medikong manakanakang nagtatanong, m~ga nurses walang matutuhang gawin sa pagaaruga; maraming maysakit na nagban~guna't lumapit sa isang dulo n~g bulwagang pinagbubuhatan n~g alin~gawn~gaw; saka iba pang m~ga kawaning takangtaka sa nangyayari, ang m~ga pan~gunang saksi sa ganyang anyo at m~ga kilos n~g tinurang maysakit na tumatawag sa n~galan ni Tirso.

Subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao't dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: Sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga't di mahuli sa baklaran nguni't dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap