United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gawan mo na lamang sana n~g paraang mapadalhan ako agad n~g ilang kasuutan, ang ipinagbiling huli n~g mestisa. Hamo't ipasasaglit kong madali rito, samantalang wala sa bahay ang kuyang mo. Pagkasambit nito ay lumabas Dioni't nagpaalam na kay donya Basilia.

Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang Magda at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya....

Sa wakas, nang mapagusapan n~g maghipag ang mabuting paraan n~g pagpapamalay sa kapatid na lalaki ni Elsa n~g kanyang pagkapagasawang patanan, ay pinagkaisahan nilang ang pamamanihalain sa gagawing iyon ay si donya Basilia na, yamang malaki naman ang alangalang at pitagan niyon sa anomang sabihin nito.

N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo? Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran.... Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.

Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya. Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang, ang wika n~g mestisa. ¿Ano yaon? itinanong n~g tinukoy.

Datapwa't ... Elsa, kung mamamatay ba naman ako ay ¿magagambala ka? ¡Kung magusap ang m~ga batang ito! ang himig pasaway na inihadlang ni donya Basilia. Nasa talaga n~g Dios ang asawa mo, Elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan n~g ganyang pan~gun~gusap. Ang mestisa ay hindi na naman umimik.

Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g martir na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.

Napasasalamat siya sa pagkakataong iyong kaharap si manang Magda at sa maayos na pagkapamagitan ni donya Basilia; n~guni't nauubos ang kanyang talino'y hindi niya matutuhan ang kanyang marapat gawin upang ang galit ay huwag makapanghinaig sa kanyang kapatid, sakaling mapagtalastas na nito ang nais niyang palitawing siya'y napakasal na kunwa kay Tirso nang gabing natapos.

¿Maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan? Bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko n~g aking m~ga lihim. At noon di'y sinabi na n~ga ni Elsa ang gaya n~g kanyang m~ga ipinahayag kay donya Basilia: na siya ay napakasal na kay Tirso nang gabing nagdaan at dahil doo'y hindi na muna siya uuwi sa Pasay.

Subali't ang utos na iya'y tila hindi narinig n~g pamangking pinagsabihan, sapagka't ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos noon sa pagtatanong sa sarili kung sino n~ga ang babaeng iyon na ibinabalitang tumatawag sa n~galan ni Tirso. ¿Sino n~ga ba ang babaeng yaon? ang ulit pang tanong ni donya Basilia.