United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't ... Elsa, kung mamamatay ba naman ako ay ¿magagambala ka? ¡Kung magusap ang m~ga batang ito! ang himig pasaway na inihadlang ni donya Basilia. Nasa talaga n~g Dios ang asawa mo, Elsa, at hindi kayo nararapat maggamitan n~g ganyang pan~gun~gusap. Ang mestisa ay hindi na naman umimik.

Subali't ang utos na iya'y tila hindi narinig n~g pamangking pinagsabihan, sapagka't ang buong pagiisip nito ay ganap na nabuhos noon sa pagtatanong sa sarili kung sino n~ga ang babaeng iyon na ibinabalitang tumatawag sa n~galan ni Tirso. ¿Sino n~ga ba ang babaeng yaon? ang ulit pang tanong ni donya Basilia.

Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang Magda at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya....

At sa bagay na ito'y ¿sino ang kanyang lalapitan? ¿Sino ang makapagbibigay n~g patibay na kinakaila~gan niya? Sa katatanong n~g ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni Tirso ang mestisang si Elsa, ang pamangking buo ni donya Basilia.

¡Hindi manyayari! ang bigla't patiling hadlang n~g mestisang mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa sandaling iyon. Nangyari na, Elsa ... malumanay na tugon ni Teang. ¡Pangahas! ang bulalas na wika n~g nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapan~gin ang kanyang katun~go. ¡Dios ko! ang tili n~g manang. ¡Elsa! malakas na tawag naman ni donya Basilia. Siyang pamamagitan ni Tirso.

Pagkakain n~g agahan, ang manang ay gumayak nang dadalaw sa anak, at si Elsa't si donya Basilia ay inabang sumama sa kanya. Ako ang may ibig na ipaganyaya sana sa inyo, manang, ang wika n~g mestisa. ¿Ano yaon? itinanong n~g tinukoy.

¿Maipagtatapat mo ba sa akin ang bagay na iyan? Bakit hindi, ay sa ikaw lamang namang talaga ang katapatan ko n~g aking m~ga lihim. At noon di'y sinabi na n~ga ni Elsa ang gaya n~g kanyang m~ga ipinahayag kay donya Basilia: na siya ay napakasal na kay Tirso nang gabing nagdaan at dahil doo'y hindi na muna siya uuwi sa Pasay.

Dito ako matutulog n~gayon, tia, ang marahan n~guni't may lambing na sagot n~g mestisa. ¿Saan ka nanggaling? ang siyasat pa ni donya Basilia. Wala po ... tan~ging naipulas sa bibig ni Elsa. ¿Walang ano? ¿At sino ang iyong kasama? Wala n~ga po.... ¡Ang batang ito! ¡Huwag mo akong patayin sa pagaalaala!

¡Hindi! ang tanggi n~g makata. Nagbibiro lamang itong si Elsa. ¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung sino ang kasama n~g maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon n~g "La Perla"? ¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia? ¡Wala pong iba! ¡Aha!... At ang lalaki ay manawanawang pumakli: Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito....

Pagkasabi nito'y hindi lamang ang mestisa ang natawa kundi pati na rin ni donya Basilia. Makasandali ay siya namang hinarap n~g matanda ang pagpapahanda n~g agahan, at si Elsa ay naiwang nakapanun~gaw sa isang bintanang paharap sa halamanan. Mapamayamaya pa'y sa lalabas na si manang Magda.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap