United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sapagka't samantalang nagkakaisa n~g paniwala ang dalawang matanda na yao'y likha lamang marahil n~g sinomang may mabigat na sakit na kaipala'y naghihin~galo o naghihirap na, bagay na di sasalang pangkaraniwan sa m~ga pagamutang paris niyon, ang tan~ging nagsisikip naman sa puso n~g mestisa ay ang masidhing pananabik na makarating siya kaagad sa piling n~g makatang kanyang pinakaiibig.
Matulingmatuling naba at lumayas sa pagamutang iyon na animo'y salaring tumakas sa bilangguan, n~g sa likura'y nilisang ayaw mang pansinin ang di magkamayaw na tawag nina donya Basilia, manang Magda at n~g iba pang may paglin~gap sa kanya....
Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa pagamutang pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang gabi.
Pagkaraan n~g ilang saglit pa, ay napatala sa aklat n~g pagamutang iyon na ang lalaking ipinasok doon, dahil sa pagkabugbog, at m~ga sugat n~g katawan, ay si Tirso Silveira na asawa n~g isang nagn~gan~galang Elsa Balboa ni Silveira. N~guni, ¿sino kaya naman ang babaeng may karamdamang nakaangkas sa ambulancia ?...