United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
At habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito: Paggaling ni Tirso, na sapilitang mangyayari n~g hindi bibilang n~g maraming araw, yamang pinatutunayan n~g medikong hindi naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang aming pagkakasal.
Subali, nang si Dioni ay masakay na sa isang trambiang kung makahagibis ay mistulang hari sa bawa't lansan~gang pagdanan, ay saka nagunitang hindi pala naibalita sa kanya n~g mestisa kung saan ginanap ang sinabing pagkakasal. Kaya't naibulong tuloy sa sarili: ¿Saan kaya sila ikinasal?...
Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa pagamutang pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang gabi.