United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi natatalos ni Elsang sa napagdanasan n~g sarili hinahan~go ni Tirso ang ganyang hakahaka hinggil sa suliraning kanyang iminumungkahi. Di niya nalalamang nang matutuhan n~g makata ang ganyang turo ay nitong mapagaralan na lamang sa pagkakarahuyo sa isang babaeng nawala at sukat matapos na siya'y pahan~gahan~gain sa angking alindog.

Mamatay!" at hindimabuhay!" ang isisigaw ko, kapag ako'y hindi ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan na si Elsa Balboa, isinabad pa rin n~g malakas tatawa. ¡Ay Elsa! ... ¡Ay, Balboa!... ¿Di mo ba nakikilala ang Elsang iyan? ang halos magkatiyap na tanong sa nagsalita n~g kanyang m~ga kasamahan. ¡ Atrasado ka rin pala! idinugtong pa. ¿Sino n~ga ba ang babaeng ito?

Sa darating namang humihin~gal si Dioni, na ang pakay ay ang mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan. ¡Kapatid ko! ang bati kay Elsang pinagaagawan n~g lungkot at tuwa. ¡Dioni! ang sabay yakap na salubong dinatnan.

N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.

Kung sa bagay ay katungkulan kong ako n~ga po ang magsabi, subali't ako ay nahihiya ... ang pakli ni Elsang bahagyang natatawa.

¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... ¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa katotohanan!

Ipagpatawad po nila ang pagkakapasok ko, ang magalang na bati sa m~ga dinatnan, at saka lumapit sa nakahiga't ito ay tinanong: Kayo si G. Tirso Silveira, ¿ano po? Ako n~ga po, malumanay na tugon n~g lalaki. ¿Ano po ang kanilang sadya? ang katlo naman ni Elsang nurse ang hinarap. Siya n~ga si Tirso Silveira, ang aking asawa, ang pakilala pa.

Tunay na si Elsa at si Teang ay untiunting pinapaglayo n~g m~ga hiwaga n~g puso, n~guni't sa dahilang ale n~g una ang may-ari n~g bahay na sinasabing pinangyarihan n~g "himalang" ibinalita ni Martinez ay dili ang hindi kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa n~g anomang tandang sukat mapagkakilanlan kung tunay o hindi ang sinasabing "himala". Bakit ay nagunita pa ni Tirso na kaya raw siya inanyayahan ni Elsang sumama sa Pandakan n~g gabing kalilipas, ay sa dahilang may ibig ibalita sa kanyang ilang ulat na may kinaalaman kay Teang at sa kanya. ¿Isa lamang kayang biro n~g mestisa ang gayong pahayag?

Kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita n~g mestisa na siya ay nakarinig na n~g gayong hayagang pagpuri n~g makatang si Tirso, kundi nang gabing iyon. ¿Magdudulot na n~ga kaya n~g masaganang ani ang m~ga pananim ni Elsang inaalagaan sa pitak n~g kanyang dibdib?...

Sa likod n~g nakatabing na tarapal, at habang patuloy na tumatakbo ang kanilang sasakyan, ay nararamdaman ni Elsang maminsanminsang bumubulong sa kanyang m~ga pisn~gi ang namumuyong m~ga labi ni Tirso, kasabay n~g magiliw na pagtawag sa kanyang pan~galan na kinalalarawan n~g sindak at pagmamahal.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap