United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni Balagtas at n~g kanyang Selia? ang narinig na naman ni Elsa na itinatanong ni Tirso na nakapalin~gon sa matanda. Hindi po, ang naging sagot, tila po ang nababanggit sa "Florante at Laura" ay ang m~ga ilog n~g Kahilom at Beata. ¿Malayo po ba tayo n~gayon sa m~ga ilog na iyon? ang usisa pa ni Tirso.

Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung tayo ay nasa alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at ... ikaw naman ang aking Selia. N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay ¿nasasabi bang siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia? Hindi. Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si Balagtas.

"Ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si Balagtas at ako ang iyong Selia. Ipinagunita ko naman sa iyo ang n~galan ni Teang, n~g babaeng hinan~gaan mo sa simbahan Datapwa't walang gayon ang ginawa mong pagpapatibay na ... ako na lamang ang tan~ging laman n~g iyong dibdib at kaaliwan n~g iyong puso.

Si Teang ay malayo na, nagpakalayolayo upang patibayan ang wika ko sa iyo na ang pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at sa kalaliman n~g hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang tan~ging pinaghihin~gahan n~g lalong dalisay kong damdamin. ¿May iba pa kayang Selia ang makata sa sandaling ito, Elsa, liban sa iyo? Minsan pang natigilan ang mestisa.

¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... ¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa katotohanan!