United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... ¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa katotohanan!
Iyan ang paraan kung bakit ko nakilala ang inyong pangalan. Kaya hindi na ninyo ipagtataka kung bakit sinabi kong nakilala nga kitang malaon na ay di paris ng pagkikilala nating ngayon na pinagabot ang mga kamay. At, kung bakit hindi napapawi sa akin gunita ang inyong pangalan?
Maging saan man siya naroon ay para sa kanya ay kasama niya si Leoning. Kung bakit? Sapagka't sa mga balintataw ng kanyang mga mata ay waring nakadikit na ang larawan ni Leoning na, hindi napapawi. At, sa gunita pa kaya naman niya mapawi? Oh, makalilibong hindi! Waring kung naaalaala niya si Leoning ay para bang nakikita niyang nagdudulot sa kanya ng ngiti.