United States or Venezuela ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.

Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: ¿maganda, ano? ¡Iyan ang talagang maganda! Pues maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin.... ¡Pshe! Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong Kamaynilaan. Nasa Corregidor na, ang parang wala sa loob na nasabi ni Tirso.

Pagcatanaw niya sa dagat ay nagsalitâ uli: ¡Pagcagandagandang umaga! ¡Maliwanag na maliwanag ang panahón! ¡Nátatanaw na magalíng ang Corregidor, ang Mariveles at ang m~ga bundoc n~g lalawigang Tan~guay! Manacanacang nacapaglacad aco rito n~g ganito ring umaga, na ang caacbay co'y ang aking pinan~gin~gibig na si Leonor.

Calugodlugod ang anyô n~g umaga. Sa silan~gana'y bagong sumusun~gaw ang maningning na araw, walâ cahi't camunting alapaap ang lan~git na dalisay na azul, at palibhasa'y lubhang maliwanag ang panahón, natatanawang magalíng, mulâ sa Luneta, ang bundóc Mariveles at ang Corregidor, ang pulô n~g Monja, pulô n~g Fraile at ang bundóc n~g Maragundong.