United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid n~g pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g pagpapakabalisa ni Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi kabaliwan? Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan.

¿Teang, ano ang nangyari sa iyo? ang patakang tanong n~g manang, samantalang ipinan~gan~gamba sa sarili ang pagkabaliw n~g anak, ayon sa ginawang pagyakap sa lalaking itinuturing na asawa ni Elsa. ¿Bakit naparito ka? ¡Naku, bunso ko!... Nagbalik na naman sa bisig n~g ina ang abang si Teang. ¡Ina ko! ¡Patawarin ninyo ako!...

N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo? Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran.... Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.

Kung nababanggit namang ganito ang ina ni Teang, ay kasunod nang agad na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya n~g matandang; iyon dahil sa kanyang pagkamason.

Mangyayaring maibunto kay Teang ang tanang kasamaang magagawa n~g isang babae; datapwa't hindi dahil diya'y kalapating malaya na si Tirso na makapamamayagpag na lilipat sa ibang pugad na ibig niyang patun~guhan.... Nariyan ang balakid.

At, habang dumarami ang m~ga araw na hindi idinarating n~g sulat na pan~gako ni Teang, ay patuloy namang pumapanaw kay Tirso na parang kimpal n~g ulap na nawawala sa katingkaran n~g sikat n~g araw, ang pan~gala't alaala n~g babaeng binanggit, katiyap n~g untiunting paguusbong sa pitak n~g kanyang puso, tulad sa halamang busog sa alaga, n~g pagkahalina sa m~ga pakibang loob n~g malulugding mestisa.

¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... ¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa katotohanan!

"Ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si Balagtas at ako ang iyong Selia. Ipinagunita ko naman sa iyo ang n~galan ni Teang, n~g babaeng hinan~gaan mo sa simbahan Datapwa't walang gayon ang ginawa mong pagpapatibay na ... ako na lamang ang tan~ging laman n~g iyong dibdib at kaaliwan n~g iyong puso.

At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata. ¡Makatang mapalad! ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.

At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. Tulad sa karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding walang tan~ging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan n~g budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni Teang.