United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Babayaran ka namin n~g doble , abutan lamang natin ang isa sa tatlong kalesang iyon, sinabi pa ni Martinez sa kutsero. At ang kutsero, sa panghahawak sa karan~galan n~g pan~gun~gusap n~g m~ga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang n~g sunod sa bawa't sa kanya'y sabihin, samantalang ang likod n~g kabayo'y siyang nag-uumasó halos sa malimit na lagpak n~g pamalo. ¡Kaliwa! ¡Kanan!
At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. Tulad sa karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding walang tan~ging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan n~g budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni Teang.
Salita Ng Araw