United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
At, habang dumarami ang m~ga araw na hindi idinarating n~g sulat na pan~gako ni Teang, ay patuloy namang pumapanaw kay Tirso na parang kimpal n~g ulap na nawawala sa katingkaran n~g sikat n~g araw, ang pan~gala't alaala n~g babaeng binanggit, katiyap n~g untiunting paguusbong sa pitak n~g kanyang puso, tulad sa halamang busog sa alaga, n~g pagkahalina sa m~ga pakibang loob n~g malulugding mestisa.
N~guni't kung ang babae po ay di ko pinagn~gin~gitn~gitan; at ang kanyang pagpapahalaga sa iba ay walang anoman sa akin na gaya rin n~g pagkawalang anoman n~g pagkahalina ninyo sa kanya. ¿At di ba ninyo natatantong tayo ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay n~g di mabilang na m~ga lalaking paris natin na naaakit din ni Elsa sa minsang pagbabati o sa isang pagkakatitigan kaya?
Nahagisan n~g tin~gin ni Elsa ang isang alilang babae na patagong sumisilip sa pinto n~g kusina na wari'y nan~gin~gimbulo sa kanyang pagbikas, at kanyang tinanong: ¿Maganda na ba ako? Wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid, ang may lakip na n~giting itinugon n~g alila. ¿Kung ikaw ba'y lalaki ay mahahalina ka na sa akin? ¡Patay na lamang po ang hindi tablan n~g pagkahalina!