United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ilang saglit pa at nagkaharap ang magkapatid sa nasasaksihan n~g dalawang matanda. Sa unangunang tin~gin lamang n~g lalaking iyong maputla't waring hindi nagtikim n~g tulog sa magdamag nanagdaan, ay naibulalas nang lahat ang tanang ibig sabihin sa kapatid na ipinalalagay na nagkasala. Si Elsa ay lumin~gon na lamang at nagtapon n~g isang titig na humihin~gi mandin n~g saklolo sa ale.

At, ang paghihinagpis ay lalong nagulol nang marinig niya ang may baklang tanong n~g matandang manang: Elsa, ¿sinong Teang ang aking narinig na tinatawagtawag? Mahabang sandaling walang kumikibo sa loob n~g silid.

Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'y walang nagagawi sa aming matagaltagal na. Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan pa, ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang payapa nang paguusap, kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si Elsa kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya? ang tanong pa.

Madilim na madilim n~ga ang nakikita ni Elsa nang m~ga sandaling yaon. Sa kanyang ulana'y waring nararamdaman niyang ang lan~git ay bumababa't tila danggan sa kanyang nanglalatang katawan, at sa kanyang paana'y parang natutunghang nunuka ang lupa't kung baga sa ganid ay anyong siya'y sisilain hanggang sa magkadurogdurog ang balangkas n~g kanyang kahalihalinang alindog....

¿Ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni Balagtas at n~g kanyang Selia? ang narinig na naman ni Elsa na itinatanong ni Tirso na nakapalin~gon sa matanda. Hindi po, ang naging sagot, tila po ang nababanggit sa "Florante at Laura" ay ang m~ga ilog n~g Kahilom at Beata. ¿Malayo po ba tayo n~gayon sa m~ga ilog na iyon? ang usisa pa ni Tirso.

Tila ang m~ga napagdaranasan ay nagtuturo kay Elsa na ang pagiin~gat kailan ma'y hindi kalabisan, at ang malabis na pagtitiwala sa lalaki kung minsa'y maaaring magbudlong sa babaeng gaya niya sa ban~gin n~g pagkapariwara....

At sa pagkainip ay iniisip niya kung saan sila lalong maluwag na magkakausap ni Elsa, kung gayong tila may kahirapan ang pagkikita nila sa sine.

Marahil ay gawa n~g lagnat na nadama n~g inang umaapoy sa kanyang katawan. Hindi hinihintay ni manang Magda na ang kanyang anak na babaeng pinalaki sa mabuting turo ay mamasdan niyang yumupyop na gayon sa dibdib n~g isang lalaking sa pagkabatid niya'y asawa pa naman n~g iba, ni Elsa.

Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa dahil sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari sa kaibuturan n~g puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. ¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? anya. ¿Nadidimlan ka ba sa piling ko?

Datapwa't nais ko lamang na magkaroon na n~g wakas ang m~ga pagaalinlan~gan ko.... Sumikdo ang dibdib ni Elsa. ¿Pagaalinlan~gang paano? kanyang itinanong. ¡Sukat na n~ga, Tirso, iyang m~ga kaululan! Limutin mo muna ang iyong pagkamakata.... ¡Kaululan ... pagkamakata!... Ako'y bantad na sa iyo.... ¿Bantad na paano?