United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid n~g pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g pagpapakabalisa ni Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi kabaliwan? Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan.

Walang anoano ay may tugtog n~g kornetang naulinigan sa dakong hinaharap n~g madla, tugtog na sinundan n~g biglang pagkabalisa't pagdadagitgitan n~g m~ga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang unang babala n~g gagawing pagpuputong.

Pasalamat na tayo, Elsa, kung iyon na lamang ... At kung gayong nagkakita na kayo n~g wala namang sinabi sa iyo, ay hindi na kikibo iyon. Subali't ¿bakit n~ga ba dito ka nakatulog at di ka na nakauwi? ¡Hindi mo naman dating ginagawa iyan! Di ko n~ga dating ginagawa, Dioni, iyan ang totoo. Dahil diya'y mahuhulaan mo kaipala, na may bagay na nagtulak sa akin sa ginawa ko....

¡Si Teang na naman! ¿At ano? Kung siya lamang ang narito't kakawit-bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan.... Kung siya ang aking iniibig n~g boong pagkatao, oo; datapwa't ang totoo'y ... nalalaman mo nang hindi siya. ¿At sino? ¿Kailan~gan pa bang sabihin ko? ¡Sa di ko nakikilala!

nguni't ang "itinapong" ito ay napaghahalatang kamalian lamang ng limbagan, at dapat basahing "itinatapon". LAHI. Tila mali, tila hindi "lahì" kundi kaipala ay "lakì" ang nasa sumusunod na tula: "at sa ca-auay ma,i, co ninanais ang lahì ng dusang aquing napagsapit". tila nga lalong tama riyan ang "laki ng dusang aking napagsapit"; nguni't ano at "lahi" ang naririyan? Hindi kaya mali?

¡Bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tun~guhing iyang ipinakilala sa akin ni pari Casio! ¡Iyan ang pinakadakilang magagawa n~g isang magulang na nagmamahal n~g taos sa kanyang anak na babae! N~guni't ang bagay na iya'y naaalinsunod din kaipala sa hilig n~g may katawan. Marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni Teang.... ¿At ikaw? ¿Ayaw ka bang magmonghang paris niya?

Gayon ma'y kami ang nagaakalang marapat igalang ang m~ga sandaling ipinakikilaban mo sa iyong m~ga kalumbayan. Kung ayaw na kayong magsayaw ay magusapusap na lamang tayo. ¿Ano pa ang paguusapan natin ay sa hindi mo naman ipagtatapat sa amin kaipala ang sanhi n~g iyong m~ga lungkot? Hindi kayo mawawalan n~g anomang sukat maikuwento sa akin....

Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang.