United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tingnan mo; kung kaawaan n~g Dios na makaraos sa pagmomongha ang aking anak, wala nang napakaligayang buhay na gaya n~g tatamuhin ko marahil.... ¡Siya n~ga pala! Si Teang daw ay nasa "La Compañia" para sa ganyang layon, ¿tunay n~ga po ba?
¡Bah, talagang buongbuo ang loob ko sa tun~guhing iyang ipinakilala sa akin ni pari Casio! ¡Iyan ang pinakadakilang magagawa n~g isang magulang na nagmamahal n~g taos sa kanyang anak na babae! N~guni't ang bagay na iya'y naaalinsunod din kaipala sa hilig n~g may katawan. Marahil ay talagang nasa pagmomongha ang hilig ni Teang.... ¿At ikaw? ¿Ayaw ka bang magmonghang paris niya?
Salita Ng Araw