United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang n~galan ni pari Casio ay nang oras na iyon na lamang niya naisip, at kung gayong tila ang natuklasan niya'y magkakabisa, ay kailan~gan nang ipatuloy yamang nasimulan na. ¿Subali't ano kaya ang kanyang kakathain hinggil kay Teang at sa binanggit niyang pari? ¡Ah, may nadampot siya!

Sasabihin ko na lamang sa iyo, kung talagang wala kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang pagkakilala sa babaeng sayang at naging aking kababayan. ¡Naku, Silveira, may katotohanan pala ang bulun~gang kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari Casio at kay Teang! ¿Ano?...

Wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; n~guni't kung sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si Teang sa mararating n~g m~ga gunita mo, ay wala akong dapat gawin kundi isa: ang ipaala-ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay n~g kanyang ninang sa San Lazaro. ¿At saan naroon? ¡Aywan kay pari Casio! ¿Ha? Napuna ni Martinez ang untiunting pagkainis n~g kausap.

Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g martir na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.

Hindi ko makita ang bagay kung bakit ipagdaramdam mo n~g ganyan ang gayo't ganitong "kababalaghan" ni pari Casio at ni Teang, ay sa n~gan~gayon pa lamang halos ay sinasabi mong si Elsa ang hinihintay mong susulat sa iyo. ¿Hindi ba totoong si Teang ay inibig mo sa isang saglit lamang, samantalang ang magandang mestisa'y siyang talang nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala?