United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nan~gagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin n~g gayong biyayang balot n~g hiwaga. N~guni't ang babaeng nagabot ay di na nila nakita.
Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang.